Kamusta na kaya ang kalusugan ng mga kabataan?

Sa panahon ngayon nang dahil sa pandemya, lahat ng mga mamamayang Pilipino ay nakararanas ng “Community Quarantine”. Ito ay dahil sa virus na kumalat noong nakaraang taon na tinatawag na Corona Virus o mas kilala bilang COVID-19. Naapektuhan ang karamihan dahil sa virus na ito. Nandiyan ang mga taong nag kakaroon nito, bilang ng mga namamatay, at mga taong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Ngunit marami ring kabataan ang nahirapan dahil sa pandemyang ito lalo na’t nag simula na ang pasukan. Maraming nakapag enroll at mayroon ding hindi dahil maaaring butas na ang bulsa ng kanilang pamilya dahil sa pandemya. Sa kadahilanang hindi sila nakapag aral ngayong taon, marami sa kanila ang nakararanas ng "mental stress". Palagay ko ay naiisip nila na sila ay mahuhuli sa mga kaklase nila noong nakaraang taon. Gaya na lamang ng mga mag-aaral nasa ika-sampung baitang ngayong taon na hindi naka pag enroll. Sila ay hindi makapagtatapos. Malungkot man isipin, dahil lamang sa pandemyang ito maraming pagkakataon ang nasayang at nabaon sa limot. Ngunit tandaan natin na lahat ng bagay ay nangyayari na may dahilan. Puwedeng hindi talaga sa atin ang panahon na ito o ito’y pagsubok na ibinigay sa atin ng Diyos dahil alam niya na kaya natin itong lagpasan. Tandaan nating mga kabataan, marami pang pagsubok ang darating sa ating buhay.

Image result for online learning in the philippines covid 19

Kapaki-pakinabang din naman sa mga estudyante ang online schooling lalo na sa pinagdadaanan nating pandemiya, nagkakaroon ito ng maraming benepisyo. Alam ko na ang ibang mga estudyante ay nakalutang sa ulap na hindi na sila kailangan na magsuot ng uniform tuwing nagkaklase, ngunit ito ay nagkakaroon din ng problema, mabagal na nagkakaroon ang mga estudyante sakit ng ulo o nahihirapan kang na makapagpokus sa mga diskusyon. Sa aking isip, ang online class ay mabuti ngunit may mga pagkukulang din dito, lalo na kung motivated ba ang mag-aaral na ito o hindi.

Image result for mental health problems

Sa henerasyon na ito, madaming pasakit na nararamdaman at mayroon ding pwedeng matutunan ang isang tao. Ano nga ba ang nangyayari sa ating mundo at ano ang epekto nito sa isang mag-aaral na katulad namin? Mayroong mga kabataan na nahihirapan sa sitwasyon na ito. Ika nga hindi ako “fast learner”. Maraming mga kabataan na hindi maka sabay sa sistema ngayon lalo na't hindi tayo pantay-pantay ng estado sa buhay, mayroon ding kabataang mas pinili nalang tumigil na abutin ang kanilang pangarap dahil sa sitwasyon nila ngayon na anak-dalit. Bali-balita sa social media na maraming mag-aaral nag papakamatay dahil hindi naka abot sa oras ng pasahan nito, at meron din namang ibang hindi tinatanggap ang modules nito. Kaya para sa sarili kong opinyon, madaming nahihirapan ngayon hindi lamang sa mental pati na din sa pisikal at emosyonal na kalusugan. Maraming mag-aaral na mas nakasanay na mag aral sa loob ng silid aralan kaysa sa sariling tahanan dahil mas komportable sila sa paaralan at kung may katanungan masasagot agad hindi katulad ngayon. Isa pang dahilan ang internet ng isang tahanan kadalasan nag loloko ito na nag sasanhi ng pagiging “choppy” ng isang taong nag sasalita, at meron ding ibang guro na pag nagtatanong ang isang istudyante sasabihin ay “sinabi ko na hindi ka nakikinig, hindi ko na yon uulitin”. Mahirap man ang buhay, tuloy lang tayo sa ating lakbay. Kaya isa lang ang masasabi namin sa sitwasyon na ito; madaming nahihirapan na tao kaya't sana mag tulungan tayo at sabay-sabay natin buhayin ang sigla ng mga mag-aaral ng nakaraan.

Image result for school before and now pandemic

Sa tingin din namin, may malaking epekto ang pandemyang ito sa mga estudyante. Mabilis napagbabago ng panahon at biglaang nabago ang paraan ng pagaaral. Ang isa sa mga maaring dahilan ng problema sa kalusugang pangkaisipan. Online schooling, bilang mag-aaral din ay masasabi kong mahirap ang makipagsabayan sa agarang pagbabago sa bagong paraan ng pagaaral. Hindi maitatanggi na Nakakapagod ito at nakakaubos ng enerhiya kaya kinakailangan na magkusang palo. Sa online schooling din ay hindi maiiwasan na magkaroon ng negatibong epekto sa mental health ng mga mag-aaral. Paano nga ba naapektuhan ang kaisipan ng mga mag-aaral? May ilang estudyante ang nahihirapan sa pag-aadjust sa bagong paraan ng pag aaral dahil mas nakasanayan nilang magaral sa paaralan kasama ang mga kaklase. At dahil sa nahihirapan silang magadjust nagiging dahilan ito ng pagtatanong ng estudyante sa kanyang sarili kung kaya niya pa ba o susuko na siya. May mga pangyayari din sa iba na tuluyan nang sumuko sa pagaaral dahil sa kung ano-anong pumapasok sa kanilang isipan dahil sa dami ng ginagawa at kailangan ipasa. Sa aming palagay, dapat na kaakibat ng online schooling ang pagkakaroon ng mental health assessments para malaman kung sakaling ang isang estudyante ay may kahirapan tungkol sa pagaaral. Sa gantong paraan mababawasan at matutulungan ang mga bata na mapanatiling maganda at maayos ang kanilang pangkaisipang kalusugan.

Image result for tips and tricks

Kaya naman ngayon, nais namin maghatid sainyo ng mga tips and tricks upang mabawas-bawasan din ang stress sa online class! Unang-una, siguraduhing hindi naniningalang-pugad ang isip mo. Aba, kung saan-saan lang pupunta ang isip mo, malamang ay hindi ka makikinig sa iyong guro at baka wala kang maisagot sa inyong pagsusulit. Kami nga, biglang gumaan ang loob nang malaman namin na extended ang deadline ng pasahan ng mga takdang aralin namin. Diyan palang, masaya na dahil hindi lumilipad ang aming isip. Pangalawa, kumain at uminom nang sapat. Pangunahing kailangan nga pala natin 'to. Mas malakas ang ating enerhiya kung mayroon tayo nito! Pangatlo, sapat na tulog. Tayong mga kabataan ay dapat may walo hanggang sampung oras na tulog upang maging maayos ang ating araw. Pang-apat, huwag dapat pagpatung-patungin ang mga gawain, pagkabigay ng isa, aba'y dapat gawin mo na agad ito hangga't sa makakaya mo. Ikaw lang din ang mahihirapan kung pagsasabay-sabayin mo ang lahat. At pang-huli, huwag kalimutan na magpahinga din sa pagitan ng mga ginagawa. Hindi biro ang nakaharap sa isang electronic na screen buong maghapon. Bigyan ang sarili ng screen break. Laging tatandaan ha? Huwag tatamarin at gawin ang lahat. Isipin mo na din ang mga magulang mo, ginagawa mo ito para sa kanila.

 

Malalagpasan din natin ang panahong ito, basta tayo'y sama-sama, magwawagi tayo bilang isa. 

Image result for we win as one


Blog na nilikha ng mga Nomads: Adrian, Arwhen, CJ, Maegan, at Anton

Mga Komento