Kamusta na kaya ang kalusugan ng mga kabataan?
Sa panahon ngayon nang dahil sa pandemya, lahat ng mga mamamayang Pilipino ay nakararanas ng “Community Quarantine”. Ito ay dahil sa virus na kumalat noong nakaraang taon na tinatawag na Corona Virus o mas kilala bilang COVID-19. Naapektuhan ang karamihan dahil sa virus na ito. Nandiyan ang mga taong nag kakaroon nito, bilang ng mga namamatay, at mga taong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Ngunit marami ring kabataan ang nahirapan dahil sa pandemyang ito lalo na’t nag simula na ang pasukan. Maraming nakapag enroll at mayroon ding hindi dahil maaaring butas na ang bulsa ng kanilang pamilya dahil sa pandemya. Sa kadahilanang hindi sila nakapag aral ngayong taon, marami sa kanila ang nakararanas ng "mental stress". Palagay ko ay naiisip nila na sila ay mahuhuli sa mga kaklase nila noong nakaraang taon. Gaya na lamang ng mga mag-aaral nasa ika-sampung baitang ngayong taon na hindi naka pag enroll. Sila ay hindi makapagtatapos. Malungkot man isipin, dahil lamang sa pandemyang ...